bakit nagsisinungaling ang mga lalaki

repost lng po galing sa YahooGroup

Ito ang kuwento kung bakit nagsi-sinungaling ang mga lalake:

Karpintero itong si Jojo, mahirap at may pangarap na makasali sa Wowowee, at isang araw ay gumagawa siya ng bahay sa tabi ng ilog. Sa lakas ng pagpukpok ay nalaglag ang martilyo niya sa ilog. Umiyak siya, parang si Loren Legarda noong impeachment proceedings ni Erap, at dahil dito lumitaw ang guardian angel niya. ‘Tutulungan kita, Jojo,’ sabi nito sabay lundag sa ilog.

Lumabas ito na may hawak na gold hammer. ‘Ito ba ang martilyo mo?’ tanong niya gamit ang boses na pang-call center. ‘Hindi po,” sagot ni Jojo. Lundag uli ang anghel at lumitaw na may silver hammer at palaka sa ulo. ‘Ito ba?’ tanong niya. ‘Hindi rin po,’ sagot ni Jojo. Lundag uli sa ilog si anghel at lumitaw na may lumang martilyo at linta sa pisngi. ‘Ito ba?’ tanong niya. ‘Opo!’ sagot ni Jojo. Natuwa ang anghel. Sabi niya, ‘Dahil honest ka, Jojo, bukod sa martilyo mo, sa ‘yo na rin ang gold and silver hammer…’ Sa sobrang galak nag-orgasm si Jojo nang wala sa oras.

Makaraan ang ilang araw, naglalakad si Jojo sa tabi ng ilog kasama ang misis niyang siyam na buwang buntis. Dahil abala sa pagbabasa ng blind item sa tabloid, nalaglag si misis sa ilog. Iyak si Jojo; litaw uli si guardian angel na parang pulitiko tuwing may photo-op. ‘Tutulungan kita, Jojo,’ sabi nito sabay lundag sa ilog. Nang lumitaw si anghel kasama na niya si Paris Hilton na may dala-dala pang Bibliya. ‘Ito ba ang misis mo?” tanong niya kay Jojo. ‘Opo!!!!’ sagot si Jojo. ‘Siya po ang misis ko!’ Nagalit si anghel, biglang naging jologs: ‘Sinungaling kang tarantado ka! Akala ko pa naman mabait ka!’

Siyempre, nangatwiran si Jojo. ‘Sorry po,’ sabi niya. ‘Kasi kapag sinabi kong hindi eh lulundag ka uli sa tubig at pag-litaw mo eh kasama mo si Jessica Simpson. At pag sinabi ko uli na hindi siya ang asawa ko eh lulundag ka uli at ang tunay na misis ko na ang kasama mo. At dahil sa kabaitan ko eh ibibigay mo din sa akin sina Paris at Jessica. Mahirap lang po ako, nangangarap maging contestant sa Wowowee, at hindi ko kaya ang may tatlong asawa, hindi po Quizon ang apelyido ko at hindi rin Revilla, kaya opo na lang ang sinagot ko nung una.’

Moral of the story: nagsi-sinungaling ang mga lalake for a good and noble reason.

Advertisements

2 Responses to bakit nagsisinungaling ang mga lalaki

  1. camotecutechronicles says:

    TAMA!!! GALENG!!! RATIONAL!!!^^,

  2. ton2 says:

    pwede!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: